Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rochelle Pangilinan

Rochelle isiniwalat rason ng pagkawala noon ng Sexbomb sa Eat Bulaga!

HATAWAN
ni Ed de Leon

GRABE pala ang naging katapusan ng sikat na Sex Bomb noon ano.

Ngayon lang lumabas ang totoo sa isang interview ni Rochelle Pangilinan. Nagkaroon pala ng hindi pagkakaintindihan noon ang manager nilang si Joy Cancio at ang management noon ng Eat Bulaga. Basta isang araw, galing sila sa isang taping at walang advice na dumiretso sila sa Eat Bulaga. Pero dahil alam naman nila ang kanilang reponsibilidad bilang mga dancer ng show at ang katotohanan na hindi naman sila sisikat ng ganoon kundi dahil sa show, nagkasundo silang magpunta. Pero bago sila nakarating sa studio, natawagan sila ng manager na si Joy, at hindi na nga sila nakapunta sa EB.

Matapos ang ilang araw nagulat na lang sila na nagkaroon ng contest para sa mga baguhang dancers. Iyong mga nanalo, na mga mas bata at magaganda rin ay binuo ng Eat Bulaga na isang grupo, iyong EB Babes. Iyon na ang ipinalit nila sa Sex Bomb.

Ang naipit, ang Sex Bomb hanggang sa nagkahiwa-hiwalay na nga rin sila at na-disband na ang grupo. Sayang dahil sumikat lahat iyang mga nasa Sex Bomb at noon basta sinabing Sex Bomb dancer aba eh matindi iyan. Pero dahil lang sa isang simpleng misunderstanding ay nangyari ang ganoon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …