NATAWA kami sa mga internet post na sinasabing si KC Concepcion ay nag-celebrate ng kanyang birthday kasama ang mga “Pangilinan cousin.”
Eh sa totoo lang hindi naman niya tunay na pinsan ang mga Pangilinan. Nagkataon lang na naging asawa ng nanay niya si Kiko Pangilinan pero hindi nangangahulugan iyon na related na rin siya sa iba pa.
Ang feeling namin publicity strategy iyan dahil ilang araw bago iyon ay nakita ang mga picture ni KC na kasama ang mga kapatid niyang sina Garie at Samantha, na anak naman ni Gabby sa iba.
Hindi naman maikakaila na talagang close si KC sa kanyang mga kapatid sa ama, at mas close naman siya sa tatay niya.
At saka bakit ang “Pangilinan cousins” ang nakipagsaya sa birthday ni KC? Nasaan ang mga kapatid niya sa ina? Iyong mga kapatid niya dahil kahit na iba ang tatay, iisa ang kanilang nanay, pero wala sila, at ang mga pinsan lamang nila ang naroroon para bumati kay KC.
Ang buhay nga naman.