Friday , November 15 2024

Ate Vi tuloy pag-iikot sa mga eskuwelahan para sa pelikulang Anak

HATAWAN
ni Ed de Leon

ABA mukha talagang pinangangatawanan na nga yata ni Ate Vi (Ms Vilma Santos) ang pag-iikot sa mga eskuwelahan para magbigay ng talk back kasabay din ng pagpapalabas ng kanyang mga klasikong pelikula. Sa Lunes, Abril 15 ipalalabas ang klasikong pelikulang Anak sa UST, at pagkatapos niyon kasama sina Claudine Barretto at Ricky Lee ay magbibigay ng panayam si Ate Vi sa mga manonood na estudyante para higit nilang maunawaan ang paggawa ng pelikula.

Naniniwala si Ate Vi na sa ganoong paraan maimumulat ang mata ng mga kabataan na ang mga Filipino ay nakagagawa rin ng mahuhusay na pelikula na dapat nilang tangkilikin at hindi puro mga pelikulang Ingles at seryeng Koreano ang pinanonood nila.

Naniniwala rin si Ate Vi na kung makukuhang muli ng industriya ang pagtitiwala lalo na ng mga kabataan unti-unti nating mapababalik ang mga tao sa panonood ng sine.

Nadala kasi ang mga tao eh, ang mahal ng bayad sa sine tapos ang napapanood naman nila ay mga pelikulang gawa ng mga hindi kilalang artista, hindi mga kilalang director na puro baguhan at nag-aaral pa lang gumawa ng pelikula. Ibig sabihin, walang kalidad kaya hindi na sila nanonood ng sine.

Idagdag pa riyan ang problema ng film piracy at ang on line streaming kaya sino pa nga ba ang manonood ng sine?

Sa ngayon ang layunin ni Ate Vi ay mahikayat ang mga Filipino na muling manood ng pelikula sa mga sinehan. Hindi ng pelikula lamang niya, kundi lahat ng pelikula.

Pero sabi nga namin anuman ang gawin ni Vilma na kumbinsihin ang Filipino audience na manood ng pelikula sa mga sinehan, kung hindi rin naman makikipagtulungan ang mga producer at magpatuloy sila sa paggawa ng mga walang kuwentang pelikula na gawa ng mga hindi kilalang director at mga laos na artista, sayang lang ang effort hindi pa rin magtatapon ng halos P400 ang mga tao para manood ng sine.

Dapat habang kinukumbinsi ang mga taong magbalik sa mga sinehan makipagtulungan din naman ang mga producer na gumawa ng mga pelikulang magugustuhan ng mga tao. Alam naman nila kung ano ang gagawin. Dati na naman nilang ginagawa iyan bago sila nabola na mas kikita sila kung ang gagawin ay ang mga binarat na indie. Eh ano nangyari sa kanila?

About Ed de Leon

Check Also

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …

GMA christmas station id 2024

GMA bosses, A Lister star pinagsama sa GMA Christmas Station ID

I-FLEXni Jun Nardo UMERE na  last Monday night ang GMA Christmas station ID. Pinagsama ang GMA …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …