Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andres Muhlach Eat Bulaga

Andres ok mag-solo ‘di kailangan ng ka-loveteam

HATAWAN
ni Ed de Leon

WALA ngang masasabing malakas na bala ang Eat Bulaga laban sa sagupaan nilang una ng dating tailend rated na It’s Showtime maliban kay Andres Muhlach. Malaking tulong din naman na naroroon si Andres, dahil hindi naman nabawasan ang ratings ng Eat Bulaga, kagaya rin iyon ng dati. Nakalamang nga lang ang Showtime dahil nalagay sila sa isang estasyong 150-Kw ang transmitting power at naka-simulcast pa sa GTV, Zoe TV, at Kapamilya Channel.

Isipin ninyong bukod sa nasa isang malakas na estasyon nasa tatlong iba pa ang kanilang kalaban. Naka-simulcast din naman ang Eat Bulaga sa RPTV 9, pero hindi pa nakakabangon ang estasyong iyon na bumagsak nang i-sequester ng PCGG ng Cory Government. Kahit na may valid franchise at permit to operate ang estasyon, kinuha ng gobyerno dahil sa bintang na sila ay crony ng dating Pangulong Marcos. Ganoong hindi pa presidente si Marcos, talaga namang mayroong Kanlaon Broadcasting System na siyang may-ari ng Channel 9.

Pero na-sequester nga eh at kagaya ng ibang mga kompanyang na-sequester bumagsak din iyon dahil ang namahala naman ay mga walang kakayahan sa industriya ng broadcasting at wala ring malasakit dahil hindi naman sa kanila ang estasyon. Ang mahalaga kumikita sila.

Hindi natin alam kung guest lang talaga sa Eat Bulaga si Andres o magiging regular na rin siya roon, pero please naman huwag siyang gawing ka-love team ni Ryzza Mae Dizon, hindi nakatatawa iyon.

Pabayaan nilang solo si Andres at tiyak na aangat iyan at makatutulong ng malaki sa kanilang show.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …