MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI nakaligtas ang netizen na nagsabing maganda sana ang singer/comedianne na si Kim Molina kung hindi ito pango na mabilis na sinagot ng aktres sa kanyang Instagram.
“Masaya naman na ako sa mukha ko and I am proud of my nose (kasi kamukha ko tatay ko dito HAHA labyu Dad). I have nothing against enhancements and I’m actually fascinated by it. And honestly if ever gustuhin ko man, TAKOT AKO OKAY hahaha!
“Hanga ako sa mga friends kong kaya siyang gawin. Magpa-tattoo kaya kong tulugan, pero ilong, mami shokot me. Baka kung next time kayanin ko… gawin ko ba?
“Anyway, keep in mind na kung ano ka man, pango matangos retokada etc, as long as masaya ka at wala kang natatapakang tao, OKAY YAN! Stay happy and be proud,” sagot ni Kim.
Masaya ito sa kanyang hitsura, basta ang mahalaga ay wala siyang natatapakang tao.