Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

Daniel tiwalang ‘di magkakaroon ng ibang karelasyon si Kathryn

AY naku Daniel Padilla, ewan ko sa iyo. Ang sabi raw niya, “kahit na sino pa ang manligaw kay Kath sa akin pa rin babalik iyan dahil ako ang mahal niyan. Isipin ninyo 11 taon kaming tumagal.”

May punto pero hindi ba niya naisip na ang 11 taong iyon ay gumuho sa loob lamang ng ilang minuto matapos aminin ni Andrea Brillantes na nagkalasingan sila, nakatulog siya sa bahay ni Daniel at nagkaroon ng one night stand? Hindi ba matapos lamang ang ilang sandali, matapos na aminin iyon ni Andrea ibinasura na siya ni Kathryn Bernardo?

Aba hindi mo naman masisisi si Kathryn. Kahit na anong pogi ng syota mo at kahit na gaano ka pa nabola at minahal mo, kung malalaman mong sumasalikwat pala sa iba at ipinagtapat pa sa iyo. Hindi ba’t kaya nga pinangangalagaan ni Kathryn ang kanyang sarili ay dahil gusto niyang virgin siya kung mag-aasawa na siya, at hindi nga ba’t pinaghihipitan siya ni Daniel maski na sa pananamit? Iyon pala sumasalikwat din dahil “ibinigay lang naman ni Andrea ang hindi maibigay ni Kath.”

Aba ‘di kahit na pala maging mag-asawa na sila basta kumalabit iyon at hindi niya naibigay hahanap iyon ng ibang kandungan? 

Para kasi kay Daniel, bale wala iyon. Nasanay siya sa ganoon eh nabuhay siya at lumaki sa isang broken family. Hindi iisa ang nanay at tatay nilang magkakapatid. Usually ang mga batang lumaki sa isang broken family ay ganyan din ang kinalalabasan, maghahananap sila ng comfort kung saan mayroon. Hindi mahalaga sa kanila ang marriage bonds. Sa aming ginagawang counselling sa aming simbahan simula noon, marami kaming na-encounter na ganyang kaso. Hindi mahalaga sa kanila ang relasyon, ang mahalaga ay kung saan sila masaya, at kung hindi na sila maligaya sa iyo, iiwan ka na.

Palagay namin, na-realize iyon ni Kathryn kaya naman niya nasabing, “pinatawad ko na siya pero hindi ibig sabihin niyon makababalik pa siya.”

Tama naman si Kathryn at tama rin ang mga naririnig niya. May nagsasabing “gaga siya basta nakipag-usap pa siya riyan matapos siyang kaliwain.” May mas masakit pang comment na aming nakita, “hindi naman siguro tunggak si Kathryn para tanggapin pang muli si Daniel.”

Papayag ba naman iyong matawag siyang “gaga” at “tunggak.”

Lalo na ngayong sinasabi ngang ang hitsura ni Daniel ay para nang si Jake Zyrus?

Isa pa, magiging masama ang image ni Daniel kung lalabas na sinamantala lang niya ang pagkakataon kay Andrea. Ano naman ang akala niya roon sa babae, just-just dahil patay na patay sa kanya? Kung tutuusin dapat pangatawanan na ni Daniel si Andrea tutal inamin na naman nilang nag-one night stand sila. Dapat panindigan na niya iyon kung may paggalang siya sa mga babae.

Pero may tsismis pa eh, kaya raw lalong napikon si Kathryn dahil may nagsabi pa sa kanyang “hindi pala pinagpala si Daniel.” Eh paano nga ba namang malalaman niyon na kapos sa pagpapala si Daniel kung walang nangyari?

Kung totoo ang tsismis, aba eh malalagay din sa alanganin si Daniel dahil ang dating syota ni Andrea na si Ricci Rivero ay walang dudang “gifted” talaga. Iyon lang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …