HATAWAN
ni Ed de Leon
MGA kababayan, hindi mangyayari ang hinuhulaan nilang three days of darkness na kumalat sa social media. Fake news iyon.
Ang daming naniwala kaya nagsiksikan na naman sila sa groceries at napansin namin ang daming nagpapabendisyon ng kandila noong mahal na araw, dahil sinasabi nga raw na ang benditadong kandila lamang ang maaaring pagmulan ng liwanag sa three days of darkness. My babala pa sila, huwag kayong lalabas ng bahay, ni sisilip sa bintana dahil ang isang minutong exposure sa darkness ay katumbas ng isang taong kamalasan sa buhay.
May sinasabi pa sila iyan daw ay nakasulat sa Biblia. Iyan din daw ay sinabi ng Birhen nang magpakita siya sa San Sebastian de Garabandal sa Spain.
Iyon pala ay isang solar eclipse lang ang mangyayari na makikita sa North America at sa Canada. Ni hindi natin iyan makikita sa Pilipinas.
Nagpapaniwala kasi kayo sa social media eh. Diyan sa social media ang lahat halos ng mga balita, lahat ng ipinagbibiling gadget at mga gamot na nakagagaling sa kahit na anong sakit sa loob ng dalawang linggo, at kung ano-ano pa, puro iyan fake.
Maghintay kayo ng balita sa mga lehitimong diyaryo lamang gaya nitong Hataw, at sa mga lehitimong estasyon ng radyo at TV at hindi iyong vlog lang, na akala mo nagbo-broadcast talaga sa radio, iyon pala Facebook live lang.
Huwag kami ang paglakuan ninyo.