Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Klinton Start

Supremo ng Dance Floor Klinton Start gagradweyt na ng kolehiyo

MATABIL
ni John Fontanilla

EXCITED na sa kanyang nalalapit na pagtatapos sa kolehiyo ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start  sa kursong  Marketing Management sa Trinity University Of Asia.

After graduation ay mabibigyan na nito ng mas maraming oras ang showbiz career na panandalian niya munang isinantabi dahil nag-focus sa pag-aaral at para maka-graduate sa kolehiyo.

Marami nga itong mga proyektong hindi tinanggap, katulad ng teleserye dahil masasagasaan ang kanyang pag-aaral, pero ngayong malapit nang gumradweyt ay handa na siyang tumanggap ng proyekto.

Tsika nga nito, “Iba po kasi ‘pag nakapagtapos ka ng pag-aaral, mayroon kang fallback kapag ‘di ka sumikat.

“Puwede kang makahanap ng trabaho na in-line sa kursong tinapos mo.

“And ‘yung pagtatapos ko ng pag-aaral  ay regalo ko na rin sa guardian ko, kina Boss  Ann (Malig-Dizon) at Ate Haye Start at sa lahat ng taong nagmamahal sa akin. “

After graduation ay may pelikulang gagawin si Klinton na ibabalita niya sa atin kapag nagsimula na siyang mag-shooting.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …