Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Gabby Concepcion
Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Gabby at Sharon sa pangarap sa mga anak, kanino ang matutupad?

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOON pa sinasabi ni Gabby Concepcion, naging magulo ang kanyang buhay at hindi niya nakasundo ang nanay ng kanyang mga anak pero sinasabi nga niya na pangarap niya sa kanyang pagtanda na makasama ang lahat ng kanyang mga anak hindi man sa iisang bubong, maaaring sa isang compound, magkakalapit ang bahay para buo pa rin ang pamilya.

Ngayon sinasabi rin ni Sharon Cuneta na ang ipinatatayo niyang napakalaking bahay ay para maging tirahan din ng lahat ng kanyang mga anak at ng pamilya ng mga iyon sa pagdating ng araw.

Mukhang pareho ang pangarap nina Sharon at Gabby para sa kanilang mga anak pero kanino nga ba sasama ang kanilang anak na si KC kung sakali?

Kagaya nga ng nasabi na namin, ayaw naming gumawa ng mga prediction o forecast dahil hindi naman kami manghuhula.

Pabayaan na natin sa mga manghuhula ang trabahong iyan. Pero kami sa palagay namin kung pag-aaralan ang nakikita natin kay KC, mukhang alam na namin kung ano ang mangyayari.

Malapit si KC sa kanyang mga kapatid sa ama. Unahin na natin ang ginawa niyang suporta sa kapatid na si Chloe, na anak ni Gabby kay Jenny Syquia. Nang sumali iyon sa isang international beauty pageant

nagpakita ng suporta ang mga kapatid na sina KC at Garie na anak ni Gabby kay Grace Ibuna. Nang ikasal si Chloe sa kanyang nobyo, hindi nakasama si Garie pero si KC ay naroroon mismo nang ikasal iyon.

Maikakaila ba na close na rin talaga sa simula’t simula pa sina KC at Garie?

Close rin si KC sa mga nakababata niyang kapatid na sina Samantha at Savannah na anak ni Gabby sa kanyang partner ngayong si Grace, at si KC mismo ay close rin sa ina ng dalawang bata.

Sa kabilang banda, maikakaila bang may friction si KC at ng blended family ng kanyang ina? Hindi nga ba’t naging issue pa ang kanyang pag-unfollow sa kapatid din niyang si Frankie at sa step father na si Kiko Pangilinan sa social media account nila? 

Kung ganyan nga ang sitwasyon sa palagay ninyo alin ang matutupad ang pangarap, kay Gabby o kay Sharon?

Wala kaming sinabing sagot ha, nagtatanong lang kami.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …