Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Kathryn inisnab si Daniel, contract signing di sinipot 

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKATAWAG-PANSIN noong mag-celebrate ng kanyang birthday kamakailan si Kathryn Bernardo sa Palawan ang presence ni Alden Richards bagamat may mga kasama naman siyang ilang kaibigang celebrities. Si Alden ang leading man ni Kathryn sa highest grossing film ever na nagawa ni Kathryn at itinuturing ding highest grossing film ever sa history ng Philippine Cinema. Hindi maikakatuwirang mura kasi ang bayad sa mga sinehan noon dahil ang ginawang kuwenta riyan ay ang dami ng ticket sales, hindi ang presyo ng admission noon at ngayon.

Napataob nga niyon ang matagal na record holder na Maging Sino Ka Man na pinagtambalan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla dahil ang ticket sales ng Kathryn-Alden movie ay mahigit na doble ng sa kanila. Sayang nga lang at nang magkasama sina Alden at Sharon ay hindi gaanong patok ang resulta sa takilya. Na mabilis namang sinagot ng ilang observers na, “ang kailangan ni Alden ay si Kathryn.” 

Sa kabilang banda naman ang sinasabi nila ay, “ang makabubuhat lang kay Sharon ngayon ay si Gabby,” na mukhang totoo naman dahil hindi ba naging malaking hit ang kanilang concert, samantalang ang ibang concerts naman ni Sharon lately kahit na kasama pa si Regine Velasquez ay hindi ganoon kalaking hit? Proven na iyan eh kasi ang unang pelikula ni Sharon ay naging isang napakalaking hit at ang partner niya ay si Gabby. Noon ding unang tumagilid ang kanyang career at ang pelikula niya ay halos ilampaso ng pelikula ni Claudia Zobel, nakabawi siya sa kasunod niyang pelikula nang itambal siyang muli kay Gabby. Ngayon ilang taon nang matamlay ang kanyang career pero biglang sumikad na naman nang magkasama sila sa concert ni Gabby. Ano pa nga bang pruweba ang kailangan?

Pero ngayon napakalakas ng usapan na magtatambal daw ulit sina Kathryn at Alden sa isang pelikula. Magandang usapan iyan dahil iyan ay potential blockbuster na naman na makatutulong na maiahon ang industriya sa pagkakalugmok nito.

Pero may isa pang tsismis, hindi umano sumipot si Kathryn sa contract signing ng isang project na pagsasamahan nila ng dating syotang si Daniel Padilla. Hindi naman siguro dahil ayaw na niya hindi naman magkakaroon ng schedule ng contract signing kundi siya pumayag, pero nagpapakita iyon na wala na siyang ganang makatrabaho pa si Daniel.

Bakit kaya hindi naman nila subukang itambal si Daniel kay Andrea Brillantes at tingnan natin kung ano ang gagawin ng fans?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …