Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darren Espanto Its Showtime

Darren makabatak kaya ng audience sa It’s Showtime?

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO nga kaya ang mangyayari sa pagpasok ni Darren Espanto bilang co-host ng It’s Showtime? Okey naman siyang guest co-host noon pang araw sa show, pero maski na nga si Vice Ganda hindi si Darren ang nasa isip. 

Hindi nga ba kinakantiyawan niya si Aga Muhlach sa isang vlog interview niya na sana sa kanilang show naman ilagay ang anak niyong si Andres, dahil kailangan nila ang isang batang co-host. Pabiro pang sinabi niya na may rayuma na raw sina Vhong Navarro at Jhong Hilario na mga co-host niya, tapos nadagdag pa rin ang isang may rayuma ring si Ogie Alcasid. 

“Sana naman dahil naibigay mo na si Atasha sa ‘Eat Bulaga’ sa amin naman si Andres,” sabi ni Vice. 

Alam kasi ni Vice kung gaano kalakas ang batak ni Andres sa fans. Hindi pa man pumapasok sa showbusiness ay siya na ang hinahabol. Eh kung titingnan mo naman kasi sino bang male star sa ngayon ang kasing pogi ni Andres? 

Ang inaasahan nga nila ang pagpasok niya ay magiging isang phenomenon kagaya rin ng tatay niyang si Aga noong panahon ng Bagets. Pero noon ay natatawa lang si Aga, hindi niya masabi at hindi naman alam ni Vice na si Andres ay nakapirma na sa Viva at sa TV5 para sa isang sitcom na ang lalabas ay ang kanilang pamilya. 

Papayag ba ang TV5 na ipahiram pa si Andres sa isang show ng kalaban nilang network? Hindi pa naman natitigil ang network wars ngayon, ang magkalaban naman ay GMA at TV5 na parehong sinasakyan ng ABS-CBN dahil wala nga silang prangkisa at sa mga iyon nila nailalabas ang kanilang mga programa. 

Kaya ang panalo pa riyan in  the end, ang ABS-CBN dahil nagagamit nila ang lahat ng networks para sa shows nila na nailalabas nila kahit na wala silang prangkisa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …