MATABIL
ni John Fontanilla
DUMATING sa bansa ang ilang Korean Top Models (International K-Top Models) para sa gaganaping K-Top Model Global Tour Festival Season 5.
Ang International K-Top Models ay pinangunahan ni Mr Jung Yongbae (CEO/President M Entertainment Media Group Korea) at Miko Villanueva (Managing & Project Director). Lilibutin nila ang ilan sa magagandang lugar sa bansa para mag-photo shoot, mag-fashion show, at para makita na rin ang ganda ng Pilipinas.
Bumisita rin sila last March 21 sa LueurLauren International Company (LLIC) para sa contract signing ng LLIC commercial at courtesy call sa presidente at VP nito at nag-guest naman sila sa Love & Tonipet and Everything noong March 22. Nagkaroon din sila ng Fashion Gala sa Casino Tagaytay noong March 23 at press conference sa KAYA Korean Restaurant at sa Philippine International Fashion Festival 2024 noong March 24.
Ang International K-Top Model ay binubuo nina Lee Eungoo, Park Mimi, Yang Jisun, Kim Hyuna, Kim Sohee, Kim InkYung, Rho Hyesim, Park Heesuk, Lee Younkyeounng, Jun Byeongsun, Cha Seungjo, Ku Oguen, Kim Sora, Angelica Jung and Querubin Gonzales.
Naging espesyal na panauhin sina Niña Corazon Alvarado, Gen. Manager ng LueurLauren International Company at Minjoung, President of Korean Women Association in the Philippines.