ni Ed de Leon
“MABUTI i na iyong alam niyang hindi niya ako maloloko,” sabi ng isang businessman na DOM ng isang female young star.
Inamin naman ng matanda na sinusustentuhan niya ang female star at ibinibigay niya ang pangangailangan niyon, lalo na nga kung nagde-date sila na ang kapalit ay laging malaking halaga.
Pero minsan daw ay sumusubok pa ang female star na humingi ng extra. Minsan pinagbibigyan naman daw niya sabi ng DOM, pero kung sa tingin niya sobra na ang hinihingi hindi na lang daw niya pinapansin, at least alam ang female star kung hanggang saan lang ang mahuhuthot niya sa sugar daddy niya.