Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai ipinagmamalaki pagiging good provider ni Gerald Sibayan  

HATAWAN
ni Ed de Leon

SABI ni Ai Ai delas Alas, sa pagdaraan ng panahon ay masasabi niyang naging good provider ang asawa niyang si Gerald Sibayan. Ewan pero mukhang nagkakasundo naman sila talaga kahit na malaki ang agwat ng kanilang edad. Si Gerald ay kasing edad lamang ng isang anak ni Ai Ai, at noon namang simula, siya talaga ang kumandili kay Gerald. 

Hindi nga ba tumayo pa siyang manager ng team noon sa volleyball sa varsity at maging sa national team? Malaki rin ang naging gastos ni Ai Ai sa kanilang naging relasyon, pero mabuti naman at mabait naman iyong bata. Hindi kagaya ng mga nauna niyang relasyon na sinusuportahan na nga niya, binabanatan pa siya.

Ewan kung ano nga ba ang negosyo ngayon ni Gerad basta sinabi ni Ai Ai na siya ay isang good provider, tama na iyon, ano man ang kanyang ipino-provide.

At least masaya si Ai Ai sa piling niya ng ilang taon na. Iyan din yata ang pinaka- mahabang relasyon ni Aiai kung hindi kami nagkakamali.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …