Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zanjoe Marudo Ria Atayde Art Atayde Sylvia Sanchez Maine Mendoza Arjo Atayde

Zanjoe at Ria baka mauna pang makapagbigay ng apo kina Art at Sylvia

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAPAKA-SIMPLE ng pagpapakasal nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde. Walang kaingay-ingay, naikasal na pala ni Mayor Joy Belmonte ang dalawa noong Sabado ng hapon. Pero hindi naman nila inilihim iyon. Kasi marami pa rin silang kaibigan na nakarating sa reception kahit na nga hindi na sa talagang kasalan. Ibig sabihin ay kanilang kinumbida. Tama lang naman iyon dahil kung iyan ay naging open sa publiko baka magmukha namang karnabal ang kasalan nila. Kaya nga iyong ibang celebrities nagpapakasal sa mga malalayo at pribadong lugar para hindi magulo ang mga tao eh. Itong sina Ria at Zanjoe, nasa Quezon City lang pero nakaligtas sila sa mga maraming mag-uusyoso.

Ang susunod namang pag-uusapan ngayon ay kung kailan darating ang kanilang baby. Marami ang humuhula na baka sila pa raw ang unang makapagbigay ng apo kina Art Tayde at Sylvia Sanchez.

Aba hindi naman masama kung mangyayari nga iyon. Matagal na rin namang naghihintay sila ng apo lalo na si Art. Baka sakali ngayon mapabilis na ang kanyang paghihintay.

Masyado kasing busy ang anak niyang si Arjo na isa pang congressman bukod sa pagiging artista, at ang manugang niyang si Maine Mendoza na artista na nga, marami pang negosyong binabantayan. Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit nagtatagal ang pagkakaroon nila ng baby.

Pero hindi mo masabi, may mga mag-asawang matagal bago magkaroon ng baby pero basta naman nasimulan na sunod-sunod ang dating.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …