I-FLEX
ni Jun Nardo
GUSTONG masubukan ni Albie Casino ang iba’t ibang roles kaya naman tinanggap niya ang Vivamax movie na Kasalo na sumalang siya sa maiinit na eksena sa baguhang si Vern Kay.
Kaya naman kung matapang sa kama ang kapareha niya, tinapangan na rin niya sa mga eksenag magpapainit ng manonood ngayong Marso 26 sa Vivamax mula sa direksiyon ni HF Yanbao.
Sa mediacon ng movie, tinanong namin si Albie kung pumunta pa siya sa burol ng yumaong veteran actress na si Jaclyn Jose? Ina ng naging ex-girlfriend ni Albie ang anak nitong si Andi Eigenmann.
“I just wanna say, rest in peace Miss Jane at condolences sa lahat ng taong nagmamahal sa kanya pero hindi naman ako apektado roon,” unang pahayag ni Albie.
At saka niya sinundan ito ng, “I don’t think my presence would be welcome there so bakit ako makikiramay, ‘di ba?”
Of course, nadawit si Albie kaugnay ng pagkakaroon ni Andi ng anak pero kalaunan ay lumabas na si Jake Ejercito ang tunay na ama ng bata.
Ka-back to back na mediacon ng Kasalo ay ang Cheaters na bida si Angeline Aril na directed by Dustin Celestino at sa April 2 naman ang streaming sa Vivamax.