HATAWAN
ni Ed de Leon
NAAAWA kami sa dating child star na ngayon ay teenager na, si Louise Abuel. May hitsura iyong bata at mukhang mabait naman, ipagpatawad ninyo hindi kami makapag-comment kung magaling siya dahil hindi pa namin siya napapanood bilang actor sa pelikula o sa telebisyon.
Pero nakalupit ng social media at kumakalat pa ang sinasabing isang scandal na kanyang ginawa. Iyang mga scandal na iyan ay talagang kalat sa internet at pinagkakakitaan ng iba. Inimbestiagahan namin kung saan ba galing iyan.
Ang isang common lalo na sa mga artista iyong naniwala na ang kanilang ka-chat ay totoong magagandang babae na siya nilang nakikita sa screen ng kanilang cellphone. Hindi nila alam na iyon ay video nga lamang at hindi totoong may taong nakikipag-video call sa kanila. Mga video iyon o AI, tapos ang nasa kabilang linya ay isang taong nagre-record sa kanilang sex chat. Iyan naman ang mga kumakalat sa internet, marami na kaming nakitang biktima ng ganyang modus.
Mayroon namang raket talaga na sila ay nagpapakilalang mga “content ceator” pero ang ginagawa nila ay sex videos ng kanilang sarili. Karamihan ay mga lalaki na nagbebenta ng kanilang sex videos sa mga bading. Ang bayad diyan ay mula P200-P300 kung ibinebenta ng maramihan. Kung sinasabing exclusive lang para sa isang bibili, ang bayad ay mula P500-P2,000 kung mahaba iyon o kung gaano kahalay.
Ang masasabi lang namin, huwag ninyong tangkilikin ang ganyang mga modus, kasi bukod sa hindi tama, tinuturuan pa ninyo silang magsamantala sa inyong kapwa. Maawa rin naman kayo sa mga artista lalo sa mga kabataan na kanilang nabibiktima, na ipinagbibili sa inyo ang video. Kung mapasahan naman kayo ng ganoong video sana ay huwag na ninyong ikalat.
Nakaaawa naman ang mga biktima, at nakaaawa rin kayo dahil natuturingan kayong mga mahahalay na mamboboso.