Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bryan Dy Piolo Pascual Vilma Santos Ralph Recto

Produ ni Piolo sumabak sa clothing buss, sinuportahan ni Ate Vi

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HIS mind is not just filled with ideas.  But brims with so many plans. 

‘Yung aakalain mong simpleng taong nakilala namin at naging boss din katuwang ang 3:16 Media Entertainment ni Len Carillo para sa MMFF 2022 entry na My Father, Myself eh, talagang tutok na ang puso’t utak sa pinasok niyang industriya. Si Bryan Dy.

Did he learn the ropes the hard way? Pwedeng sabihin. 

At sa natutunan niya umalagwa ito sa pagsugal sa binuong Mentorque Productions na nakagalaw siya at naikutan ang mga planong binuo kasama ang kanyang team.

Mentorque you have come a long way. Sabi nga niya. Nag-Mallari. Suntok sa buwan ‘yun. Aba, umabot sa Amerika. At ngayon, nag-iikot sa  Singapore at Hongkong para mapanood ng ating mga kababayan.

Say niya, “Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Akala ng marami sinuwerte lang tayo. Pero before it came to this it was years of struggle and success. Nag-uumpisa lahat ‘yan sa pangarap. Posible pala.

Sabi nga ni Catriona Gray: ‘I stand here today because someone believed in me and we owe it to our children to believe in them.

Reminder, there are also non-believers who will even go extra mile just to stop you. Pero never ever give up. Put all your energy and love to those who believe in you. Salamat po sa lahat ng nagtiwala, at patuloy na nagtitiwala. 🙏🙏🙏.”

Noong nasa Amerika siya, para sa isang film festival na umani ng tagumpay ang kanyang pelikula, hindi nagpahinga ang utak nito. 

Parang gulong na umiikot ang utak. Dahil pag-uwi niya, he mounted the biggest event in Lipa, Batangas with the support of Senator Ralph Recto and kahit private citizen na eh, nananatili pa ring Ina ng Lipa na Star for All Seasons na si Vilma Santos at anak na si Christian Ryan.

Tatlong araw at gabi. It was a blast. Kaya ipinagmamalaki siyang tunay ng Lipa.

Gym lang ang pahinga.

At habang inaayos ang event sa isang sulok ng programa niya, rumarampa naman sa pictorial ang ‘sangkaterbang modelo para sa ilulunsad niyang clothing line.

Ang Asia’s Rising Star (na si Piolo Pascual ang nagbinyag) na si Janella Salvador ang kinuha niyang endorser along with several topnotch models in the industry. World-class ang dating na ginawa ng kanyang team.

Matagal na naming pangarap na magkakaibigan ‘yan. Eto na. Into fruition. And we’re so happy dahil alam naming hindi kami mapapahiya sa produktony ihahain namin sa merkado.”

Shirts and hoodies na kahit anong panahon eh, pwedeng gamitin.

At ang proud partners niya ay kinabibilangan nina Vinz Edward Nario, Lance De Chavez and JJ Virrey.

A million dollar mind is what’s churning in the lad’s brain. Ang kanyang mantra “Embrace the Infinite!”

Eh, may bago na ngang pelikulang niluluto. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …