Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia

Young beauty queens Marianne at Khristine gustong sundan yapak ni Kathryn 

ni ALLAN SANCON 

KASABAY ng paglulunsad ng 3rd edition ng Aspire Magazine na ginanap sa Robinson’s Novaliches Trade Hall noong March 15, 2024, ipinakilala ng CEO nitong si Ayen Cas ang kanilang latest cover na si Marianne Beatriz Bermundo, 16, Queen Humanity International 2023 at Miss Teen Culture World International 2023 at dating Little Miss Universe 2021.

Ipinakilala rin ni Ayen ang isa pang young beauty queen na si Khristine Kate Almendras Ornopia, 12, nanalong Outstanding International Fashion Model and Young Beauty Queen of the Yeat 2024.

Bata pa lang, pangarap na nina Marianne at Khristine na maging beauty queen para i-represent ang Pilipinas sa ibang bansa. Pangarap din nilang mag-artista at sundan ang yapak ng kanilang mga idolo na sina Francine Garcia at Kathryn Bernardo.

Layunin ng Aspire Magazine na palawigin ang traditional na memorabilia ng hard copy magazine sa kabila ng naglipanang online at digital magazine. Dahil iba rin kung nahahawakan, nababasa, at naitatabi ang hard copy magazine.

Tampok sa bagong Aspire Magazine ngayong taon ang magaganda at inspiring stories ng mga successful beauty queens, businessmen and women at mga sikat na celebrities.

Dalawa nga sa mga young beauty queen na tampok sa magazines ay ang istorya ng tagumpay nina Marianne at Kristine.

Mahigit 200 pages ang kapal ng hard copy magazine na magiging available na soon sa mga leading magazine stand and bookstore nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …