Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez

Teejay Marquez dream house ipinagagawa na  

MATABIL
ni John Fontanilla

SINISIMULAN nang gawin ang dream house ni Teejay Marquez sa Quezon City.

Kuwento nito nang makausap namin, pangarap nila ng kanyang yumaong lola na magkaroon ng sariling  bahay.

“Sobrang happy ako kasi sa wakas masisimulan na ‘yung pagpapagawa ko ng dream house. Actually dream house namin ng lola ko.

“’Yun nga lang ‘di na niya inabutan kasi  namatay na siya, pero alam ko naman na nandyan lang siya at masaya siya na matutupad ko na ‘yung pangarap namin na dream house,” ani Teejay.

Ilang milyon ang halaga ng mala-mansion na bahay na pinagagawa ni Teejay, pero ayaw nitong sabihin ang kabuuan ng halaga nito.

Kaya naman mas naka-focus siya sa pagtatrabaho ngayon at walang oras sa lovelife dahil malaki-laking halaga rin ang magagastos sa pagpapagawa.

“Kaya need ko magtrabaho ng magtrabaho para panggastos sa ipinatatayo kong bahay. Dito muna ako naka-focus at saka na ang lovelife, may tamang oras para riyan.

“Ilang milyon din ang kailangan ko para sa house, ‘di pa kasama ‘yung mga bagong gamit at appliances at iba pa,” anang aktor.

Sa ngayon ay masaya si Teejay dahil sunod-sunod ang kanyang trabaho mapa-TV, pelikula, at TV commercials kaya naman nakaiipon siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …