Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Repakol Siakol

REPAKOL patuloy na lumalaban para maibalik pangalang SIAKOL 

ni Allan Sancon

HINDI kaila sa atin ang success at failure ng mga ilang music bands sa ating bansa. Ang iba ay patuloy na tumutugtog at nagbibigay aliw sa kanilang fans at ang iba naman ay nagkawatak-watak na sa mga hindi inaasahang dahilan. 

Isa ang Repakol, dating Siakol ang patuloy na nagbibigay saya sa kanilang mga follower sa kabila ng kinahaharap nilang usapin ukol sa kanilang pangalan.

Kung hindi alam ng karamihan, na-divide sa dalawa ang bandang Siakol dahil humiwalay at  nagtayo ng sariling banda ang ibang miyembro nila na ginamit pa rin ang pangalang “Siakol” at nanatiling magkasama ang original founding members na sina Noel Palomo at Miniong Cervantes na nagtayo rin naman ng bagong rock band na pinangalanan naman nilang “REPAKOL.”

Si Noel ang vocalist at composer ng mga sikat na awitin ng Siakol tulad ng Bakit Ba?    Tropa, Gawing Langit Ang Mundo, Ituloy Mo Lang at marami pang iba. 

Dahil sina Noel at Miniong nga ang nagtayo ng Siakol, pilit nilang ipinaglalaban sa korte na maibalik sa kanila ang legal rights ng pangalang “Siakol” at lahat ng legal matters about their names.

Sa kabila ng pinagdaraanan ng bandang Repakol ay patuloy ang kanilang pagpapasaya sa kanilang followers. Kabi-kabila ang kanilang gigs at shows. Magkakaroon pa nga sila ng U.S. Tour, ang REPAKOL Tropa North American Tour,  na magsisimula sa April hanggang June 2024.

Patunay lang ito na hindi basta-basta matitibag ang isang grupo kung mayroon silang pagkakaisa at may mabuting hangaring magpasaya sa kanilang followers sa pamamagitan ng kanilang mga pinasikat at makabuluhang kanta.

Para sa updates ng REPAKOL BAND U.S Tour narito ang kanilang mga schedule:

April 20-Rams Head Live; April 26-Manor; April 28-Port ‘N Starboard Ocean Front; Banquet Center; May 11-UR Coliseum; May 18-Buko Resto-Bar; May 24-Patio Theater; at June 15-Fox Theater. Binubuo naman ang grupong Repakol nina Niel Palomo -Song Writer/Composer Siakol/ Repakol/Vocalist; Miniong Cervantes-Lead Guitar; Alvin Palomo-Guitar; Wilbert Jimenez-Guitar, Raz Itum-Bass Guitar, at Zach Alcasid-Drums

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …