MATABIL
ni John Fontanilla
MAGANDA, matangkad, at napakahusay sumagot sa mga katanungan ang 12 year old beauty queen & model na si Khristine Kate Almendras Ornopia na itinanghal na Young Miss Universe SuperGrand Prix 2023.
At sa lahat ng mga Pinay beauty queen na lumaban sa ibang bansa at nanalo, ang Miss Universe 2015na si Pia Wurtzbach ang idolo ni Khristine. Bukod kasi sa napakaganda ni Pia ay napakatalino pa nito at mahusay sumagot, kaya naman siya ang inspirasyon ni Khristine.
Katulad ni Pia, dream din ni Khristine na maging Miss Universe kaya naman kahit bata pa ito ay nagsisimula na siyang mag-training sa tulong ng kanyang mentor na si Ayen Cas.
Isa sa bubuo ng kanyang pangarap ang makita, makasama, at makatrabaho ni Khristine si Pia in the near future.
Nagpapasalamat si Khristine sa suporta ng kanyang mga magulang na sina Ma. Christina Almendras-Ornopia at Rodrigo Ornopia sa pangarap niyang maging beauty quren at sikat na model.
At sa latest edition ng Aspire Magazine Philippines (The Flight of the Phoenix) ay isa si Khristine sa featured beauty queen & model na makikita sa pahina nito.