Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Repakol Siakol

Repakol handang-handa na para sa US tours

HANDANG-HANDA na para sa kanilang US Tour, Tropa North Bound Tour ang bandang Repakol (Siakol) sa Abril, Mayo, at Hunyo 2024.

Ang Repakol ay binubuo nina Noel Palomo (Singwriter, composer & vocalist), Miniong Cervantes(Lead Guitar), Alvin Palomo (Guitar), Wilbert Jimenez (Guitar), Raz Itum (Bass Guitar), at Zach  Alcasid (Drums).

Sa mediacon ng grupo kamakailan ay inanunsiyo nila na tuloy na tuloy na ang pagpapasaya nila sa ating mga kababayan sa Amerika na magsisimula sa April 20 sa Rams Head Live, April 26 sa 58 Manor, April 28 sa Port  ‘N Starboard Ocean  Front  Banquet Center, May 11 sa Ur Coliseum, May 18 sa Buko Resto-Bar, May 24 sa Patio Theater, at sa June 15 sa Fox Theater.

Aawitin nila ang kanilang mga hit song gaya ng Bakit Ba, Tropa, Ituloy Mo Lang, Peksman, Lakas Tama at marami pang iba.

Makakasama nila sa kanilang US Tour sina Paul Sapiera ng Rockstar/Arkasia (Fox Theater California), The Melllow Dees Band na binubuo nina Melody Del Mundo ex Sugar Hiccup vocals and guitar, Wolf Gemora ng Wolfgang, at Locomotiv (drums), at Nievera a.k.a Robin Nievera.

Bukod sa kanilang mga nabanggit na  schedules ay nakatakda rin silang mag-perform sa mga kababayan natin sa Los Angeles at Hawaii. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …