ni Ed de Leon
MAY tsismis na nagkita raw muli ang isang dating male sexy star at isang showbiz netizen na nakarelasyon niya noong araw sa kanilang lunsod, north of Manila. Ngayon ang dating male bold star ay may isa nang disenteng pamilya na may kaugnayan pa yata sa mga politiko.
Pero ang sabi ng gay showbiz netizen, “alam mo ba na noong araw sa tuwing pupunta ako rito ay nakaka-date ko iyan? At ilang taon din naman kaming nagsiping sa iisang kama hanggang sa maging asawa na nga niya ang fake na asawa niya sa ngayon? Fake ang asawa niya dahil hindi naman sila kasal. Iyong sinasabi niyang asawa niya ngayon ay kasal sa isang dati ring artista na taga-That’s Entertainment na nakilala niya noong naging Japayuki siya sa Japan. Hiniwalayan naman siya niyon dahil nga nabuntis din siya sa isang Japanese.
“Ngayon iyan ang sinasabing asawa raw ng male bold star dati. Pero ok lang dahil sustentado naman niya ang dating male bold star pati na ang dalawang anak niyon sa naunang asawa,” sabi ng bading.