Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marianne Beatriz Bermundo Catriona Gray

Catriona Gray inspirasyon ng model/ beauty queen Marianne Beatriz Bermundo

MATABIL
ni John Fontanilla

BUKOD sa korononang Little Miss Universe 2021 ay dalawa pang korona ang pinanalunan ni Marianne Beatriz Batalla Bermundo, ang Miss Teen Culture  world International 2023 at Queen Humanity International 2023.

Sa launching ng Aspire Magazine PhilippinesThe Flight Of The Phoenix last March 15 ay sinabi ni Marianne na si Catriona Gray ang inspirasyon niya sa pagsali sa mga pageant.

Bata pa lang si  Marianne ay napapanood na niya ang laban ni Catriona mula Binibining Pilipinashanggang Ms. World at Ms. Universe 2018 at dito ay mas humanga siya sa husay rumampa at sumagot ng beauty queen.

Katulad nga ni Catriona, sa murang edad ni Marianne ay napakahusay din nitong rumampa at sumagot sa mga katanungan. At kahit tatlong korona na ang napanalunan nito ay pangarap pa rin niyang makasali sa malalaking pageant sa bansa tulad ng Binibining Pilipinas, Ms World Philippines, at Ms Universe Philippines.

Sa ngayon ay nagsisimula nang mag-training si Marianne hangga’t bata pa para sa pagsali niya sa malalaking local pageants ay handang-handa na. Masuwerte si Marianne dahil very supportive ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang inang si Ms. Vergie Batalla Bermundo na siyang lagi nitong kasa- kasama sa laban.

Thankful si Marianne dahil lumabas na at last ang Aspire Magazine Philippines The Flight of the Phoenix na siya ang cover kaya nagpapasalamat siya sa CEO & President nito sa pagkakataong ibinigay sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …