MATABIL
ni John Fontanilla
NAKALULULA ang presyo ng isang halaman na nabili ng mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero na nagkakahalaga ng P1-M na nabili sa Brazil.
Sa Interview ni Kuya Boy Abunda sa kanyang show na Fast Talk ibinahagi ni Aubrey na naging plantita siya noong pandemya.
Aniya, “From Brazil kasi siya, from the rainforest na very rare. Hindi mo siya mahahanap basta, na ibinebenta sa mga ganito. Kailangan mo talaga siyang i-hunt.”
Ang tawag nga sa nasabing halaman na galing sa Brazil na nagkakahalaga ng P1-M ay “spiritus sancti.”
Dagdag pa nito, lKung binili ko ‘yun ng P1-M, go-grow ko lang siya. Benta ko ng P300k, tapos ‘yung isa P200K. Mga ilang leaves lang ‘yun a. Mga two, ganyan.”
Sa laki ng kinita nila sa isang halaman na iyon, lahad pa ni Aubrey, nakabili sila ng ilang mga ari-arian.