Saturday , July 26 2025
Arrest Posas Handcuff

Suspek sa binogang ‘pool hustler’ timbog sa tagayan

NASAKOTE ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa 25-anyos pool hustler habang nakikipag-inuman sa kanyang mga katropa sa Malabon City.

Bukod kay alyas Raffy, 43 anyos, ng Dumpsite, Sitio 6, Brgy. Catmon, binitbit din nina P/Lt. Melanio Medel Valera III, Commander ng Malabon Police Sub-Station 4, ang kanyang kainuman na si alyas Roque, 31 anyos, nang pumapel at tinangkang pigilan ang mga pulis sa lehitimong operasyon.

               Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSgt. Bengie Nalogoc at P/SSgt. Michael Oben, naganap ang insidente habang naglalaro ng bilyar ang biktimang si alyas Kirk at ang 23-anyos testigong si alyas Jayson noong Sabado ng gabi sa Pisaca Sitio 6, Brgy, Catmon.

Sa ulat, bigla na lamang sumulpot ang suspek na armado ng kalibre .45 baril at malapitang pinaputukan sa ulo ang biktima sa harap mismo ng kanyang kalaro. Naisugod pa ang biktima sa Ospital ng Malabon ngunit hindi na umabot nang buhay.

Sa pahayag ng live-in partner ng biktima kay SSgt. Nalogoc, bago nangyari ang pagpatay ay nanalo sa larong bilyar ang kanyang kinakasama pero humirit ang kalaro ng isa pa ngunit tinanggihan na ng biktima.

Dahil sa impormasyong ibinigay sa pulisya ng testigo, walang humpay na nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya hanggang matunton ang suspek habang nakikipag-inuman sa Dumpsite Sitio 6 noong Linggo ng gabi na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Sinampahan ng pulisya ng kasong murder ang suspek at obstruction of justice naman kay Roque sa Malabon City Prosecutor’s Office habang isinailalim sa ballistic examination ang isang basyo ng bala ng kalibre .45 pistola na nakuha sa crime scene. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

Marilao Bulacan Police PNP

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De …

Arrest Shabu

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …