Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Gabby Concepcion
Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Sharon-Gabby hindi na naman okey

HATAWAN
ni Ed de Leon

EWAN ha pero sa palagay namin masyadong nega iyong lumalabas pang nagkagalit na naman sinaSharon Cuneta at Gabby Concepcion pagkatapos ng kanilang matagumpay na Dear Heart Concert.Mayroon pa raw sanang kasunod iyon, at inamin ni Sharon na gusto sana niyang gawin pero may problema raw kay Gabby.

Pero ang lumabas noong una, hindi si Gabby ang may problema, hindi raw nagustuhan ng asawa ni Sharon ang nangyari sa concert nila. Hindi nanood ang asawa at mga anak ni Sharon sa nasabing concert.

Pero hindi maikakaila na iyon ang naging pinaka-malaking concert ni Sharon in years. Mayroon pa siyang isang concert na kasama  pa si Regine Velasquez na hindi naman ganoon kalaki ang crowd. Doon sa nangyaring concert, si Sharon ang mas nakinabang dahil hindi naman natin maikakaila na hindi na gaya ng dati ang kanyang popularidad. Wala siyang hit movies lately at wala ring tv shows, maging ang tambalan nila ni Alden Richards ay naging parang karaniwan lamang.

Samantalang si Alden ay kasama sa pinaka-malaking gross na pelikula, pero ang leading lady ay si Kathryn Bernardo. Si Gabby naman puro top raters ang ginagawa sa tv na ang kasama ay ang baguhan lang na si Sanya Lopez.

Kaya nga siguro masasabing si Sharon ang mas nakinabang at naiangat ng concert nila ni Gabby lalo pa nga’t hindi naman singer si Gabby.

Ngayon makakasama ni Gabby sa isang serye si Marian Rivera, for sure papatok iyan eh si Sharon, ano nga ba ang susunod na project?

Mas magiging nega pa siya kung kakalabanin niya nang kakalabanin si Gabby. Dapat makisama na muna siya hanggang sa makabawi siya ng kanyang popularidad at pagkatapos at saka na sila magsisihan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …