Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Contis

Paolo Contis itinanggi tampo sa GMA

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAG-DENY si Paolo Contis na sumama ang loob niya sa GMA 7 nang tuluyang sibakin ang show nilang Tahanang Pinakamasaya. Ano pa ang isasama niya ng loob sa GMA eh doon na nga lang siya nabubuhay. Kung wala ba siya sa Bubble Gang eh ano pa siya? 

Siguro nga sumama lang ang loob niya dahil nang mapunta siya sa isang daily noontime show ang akala niya ay mas magiging matindi ang dating niya, eh nagkataong hindi nag-click. Natural lang namang alisin na iyon ng GMA dahil una, nakaaapekto sa ratings ng buong network. Dati lampaso sa kanila ang mga kalaban sa day time audience noong naroroon pa ang Eat Bulaga ng TVJ. Nang maging iba na ang hosts ng Eat Bulaga, nabulaga na lang sila na nawala ang audience, nawala rin ang sponsors. 

In the mean time palaki nang palaki ang utang ng producer ng show na hindi makabayad ng airtime dahil hindi nga kumikita ang show. Ano ang gagawin ng GMA? Sa tingin namin tama naman ang ginawa nila. Kung hindi nga naman aangat, alisin na dahil kung ipipilit pa rin iyon ng producers, mababaon lang sila sa utang sa airtime. Pinagbigyan naman sila ng GMA ng ilang buwan matapos na umalis ang TVJ. Sabi nila hawak nila ang title na Eat Bulaga, eh natalo pa sila sa kaso at ngayon ang Eat Bulaga ay nasa TV5 na gamit ng TVJ at ng mga original na dabarkads. Ano pa ang pag-asa nila?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …