Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera My Guardian Alien

Marian mahalaga pa rin ang kalusugan kaysa materyal na bagay

I-FLEX
ni Jun Nardo

MODELO rin ng kalusugan at wellness ni Marian Rivera bukod sa pagiging GMA Primetime Queen at All Time Boxoffice Queen.

Kaya naman ang pagiging maingat sa kalusugan at pagpapahalaga nito ang dahilan kaya kinuha siyang ambassadress ng Amazing Pure Organic Barley powdered drink ng IAM Worlwide.

Kahit sinasabing na kay Marian na ang lahat, mas mahalaga pa rin sa kanya ang kalusugan kaysa material na bagay na tinatamasa niya at pamilya ngayon.

Sinubukan ko ang produkto ng isang buwan. Nakatulong sa maayos kong pagtulog at iba pang may kinalaman sa katawan ko.

“Pati pamilya ko, umiinom nito pati nanay at lola ko na may edad na. Puwede ito sa lahat,” sambit ni Yan sa contract signing niya.

Eh dahil may katuwang na si Marian para lalong dumagdag sa maayos niyang kalusugan, muli siyang mapapanood sa TV series na My Guardian Alien na mapapanood sa GMA primetime simula sa April 1. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …