Monday , December 23 2024
Angkas

Angkas riders pumalag nang sipain sa platform, malawakang tanggalan inangalan

DISKONTENTO kaya pumapalag ang mga rider ng motorcycle taxi company na Angkas matapos magsagawa ang kompanya ng mass deactivation at malawakang tanggalan sa kanilang platform.

Ito ay matapos matuklasan na nag-o-onboard ang Angkas ng mga riders na walang professional license.

Ayon sa mga Angkas drivers na sinipa sa platform, wala umanong sinabi ang Angkas na may kaakibat na panganib ang pagbiyahe nila nang walang professional license at tinatayang marami pa sa mga hanay ng Angkas riders ang bumabiyahe nang walang professional license.

Wala rin daw alok na professional license processing assistance ang Angkas sa mga riders na sinipa sa platform.

Matatandaang mahigpit na ipinagbabawal ang sinumang motorcycle taxi driver na bumiyahe nang walang professional license.

Sa pagnanais na mapanatili ang kanilang dominance sa MC Taxi sector,  agad nag-mass deactivation ng kanilang riders ang Angkas at hindi gumawa ng masusing proseso sa pagpili at pagtatanggal ng kanilang riders.

Kaugnay nito, nang mabatid na pinayagan ng Angkas na bumiyahe ang mga riders na walang professional license, may ilang commuters na nagsabing inilagay ni Angkas sa panganib ang mga pasahero at riders nito.

Ngayong nabunyag na marami sa kanilang riders ay walang angkop na lisensya upang bumiyahe, ang isinagawang malawakang deactivation ng mga riders ay mukhang naglalayong itago ang kapabayaan ni Angkas sa publiko.

Ngayon, marami sa mga driver ng Angkas ang nagpapahayag ng kanilang pagkadesmaya kay inilantad ang mga tanong ukol sa integridad ng operasyon ng Angkas, ang katotohanan ukol sa kanilang safety track record, at ang epekto nito sa kabuhayan ng kanilang riders.

Marami sa mga sinipang Angkas riders ay umaasa sa platform bilang kanilang pangunahing kabuhayan.

Sa naging mass deactivation na isinagawa ng pamunuan ng Angkas, maraming pamilya ang kanilang ginutom.

Matatandaang isa sa mga pangako ng Angkas sa pamahalaan ay ang paglikha ng milyong-milyong kabuhayan at iangat ang antas ng pamumuhay ng mga Filipino.

Ngunit sa agarang pagsipa sa mga riders nito, may katotohanan pa kaya ang pangakong ito ni Angkas?

Dahil sa isinagawang mass deactivation ng Angkas, handang magsagawa ng malawakang kilos protesta ang Angkas riders upang tutulan ang mga naging hakbang ng pamunuan ng Angkas.

Dagdagng mga rider, ikinakasa na rin nila ang kaso sa DOLE na ihahain nila laban sa Angkas.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …