Sunday , November 17 2024

4 PGH wards nasunog mga pasyente inilipat

031424 Hataw Frontpage

HATAW News Team

SUMIKLAB ang sunog sa apat na wards ng Philippine General Hospital (PGH) sa Ermita, Maynila kahapon ng hapon, Miyerkoles, 13 Marso 2024.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang sunog dakong 3:00 pm, umakyat sa ikalawang alarma bandang 3:11 pm, at idineklarang ‘under control’ ganap na 3:45 pm.

Umabot sa 13 fire trucks ang dumating upang magresponde sa insidente ng sunog.

Ayon sa spokesperson ng ospital na si Dr. Jonas Del Rosario, ang mga naapektohang pasyente ay agad inilipat sa ibang wards at units sa loob ng PGH Compound.

Inalerto ng Department of Health (DOH)  ang iba pang government hospitals sa nasabing lugar upang tumanggap ng mga ililipat na pasyente ngunit inihayag ng PGH na kaya nilang tugunan ang sitwasyon.

“As of 6:00 pm, UP-PGH has advised DOH that they are able to manage their patients in the other unaffected wards/rooms. DOH remains on standby should the situation require transfers,” ani Health Assistant Secretary Albert Domingo.

Ani Del Rosario, ang apoy ay nagsimula sa audio-visual room ng Department of Medicine at naapektohan ang likurang bahagi ng Ward 1, ganoon din ang Wards 2, 3 & 4.

               Mabilis na inilipat ang mga pasyente mula sa mga apektadong wards patungo sa ibang kuwarto dahil sa makapal na usok.

Sa ulat, sinabing ang ibang pasyente ay pansamantalang ililipat ng lugar.

Papayagan umanong bumalik sa loob ang mga pasyente kapag ang kabuuang ospital ay idineklara nang ligtas.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang dahilan ng pagsiklab ng apoy. Gayonman, sinabing walang iniulat na nasugatan o nasaktan sa nasabing insidente.

               Ang ibang pasyente at mga doktor ay nanatili sa evacuation area sa hospital parking lot hangga’t hindi nakokontrol ang apoy.

“In light of Fire Prevention Month, the DOH is instructing all its hospitals to review their fire evacuation plans and conduct risk analyses for fire prevention on their premises,” pahayag ng DOH.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …