ni Ed de Leon
NATSISMIS ang isang showbiz gay, na sa buong panahon naman ay hindi nakitaan ng ano mang bagay na wala sa ayos. Ni walang balita na may relasyon iyon kanino man, pero isang gabi ay nasilip ng kanyang mga kaibigan na may kasamang isang bagets, na ang description nila ay “kamukha ni Andres Muhlach.”
Aba pihikan pala ang showbiz gay na iyan. Pero mukha naman daw masaya ang magka-date at wala na sigurong pakialam ang mga nakakita sa kanila, after all alam naman nilang gay siya, at mukhang wala namang reklamo ang kasama niya. Kaya tahimik na lang din sila at siyempre inggit. Isipin ninyo nakabingwit ng look alike ni Andres.