MATABIL
ni John Fontanilla
MAY payo ang aktres & host at bida sa Viva One’s For The Love…. Mahika na si Bea Binene with Gab Lagman na napanood last March 8 ukol sa mga taong mapanghusga.
Ani Bea, “Ang advice ko lalo na kapag napanood n’yo ang ‘Love for Mahika’ is that, siyempre ‘wag tayong mag-judge agad.
“And everything happens for a reason and ‘wag tayong mag-judge ng isang tao, o ‘yung sitwasyon ng tao kasi hindi tayo pare-pareho ng pinagdaraanan.”
Dagdag pa nito, “Katulad ng sinabi ko dati na love comes from the most expected ways and at most unexpexted places.
“So kailangan ‘wag mo na siyang hintayin, dahil kung darating siya, darating siya.”
Sa ngayon ay happy si Bea sa magandang nangyayari sa kanyang career simula nang lumipat sa Viva.