HATAWAN
ni Ed de Leon
NGAYON lumulutang na hindi lang pala si Vilma Santos, kundi ang namayapa ring si Jaclyn Jose ay kinikilala ng publiko bilang isang mahusay na aktres at tanging nag-iisang nanalong Pinay at South East Asian na nanalong best actress sa Cannes Film Festival sa France. Aba mas matinding award iyan kaysa nanggaling pa sa kung saan-saang continents kabilang ang timbukto at Antartica man.
Pero walang masabi riyan ngayon ang kulto subukan nilang magsalita ngayon ng laban kay Jaclyn at baka sumunod na sila sa kapalaran ni Senor Agila.
Ipinipilit kasi ng kulto na ang kalaban nila ay si Vilma. Hindi nila matanggap na wala na nga silang kalaban dahil lipas na ang kanilang panahon. Kung baka sa pagkain paano mong ihahambing ang Keso de Bola at Hamon sa nilagang kamoteng kahoy? O kaya kahit na sa binatog lang.