HATAWAN
ni Ed de Leon
AYAW daw munang magsalita ni Paolo Contis ngayon tungkol sa pagkakasibak ng Tahanan nilang hindi na masaya. Noon ipinakikipaglaban niya iyong pilit pati na ang pag-angkin sa titulong Eat Bulaga, pero nabulaga sila sa desisyon ng IPO at ng Korte at ngayon nga sa naging desisyon ng GMA 7 na tuluyan nang alisin ang kasiyahan sa kanilang tahanang hindi naman talaga sumaya.
Lalo na ngayong mahihirapang hingan si Paolo ng sustento para sa mga anak niya. Malamang ang sinasabi niyang naipon na ibibigay niya sa mga ank niya kapag malaki na ang mga iyon ay maubos pa.