Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim, Kim Chiu, KimXi

Mga kaibigan ni Kim masaya sa pakikipaghiwalay nito kay Xian

HATAWAN
ni Ed de Leon

LUMALABAS na ngayoan ang totoo, marami pala talagang conflict ang samahan noon nina Kim Chiu at Xian Lim, dahil alam naman daw ng huli na hindi lang ang mga kaibigan ng aktres kundi maging ang pamilya niyon ay ayaw sa kanya.

Noon marami ang naniniwala na ok na ang lahat sa kanilang dalawa, dahil pareho nga silang may Chinese blood. Eh sa mga Tsino mas gusto nila na ang maging mag-asawa ay pareho ring Tsino pero iba pala sa kaso ni Xian, parang may duda ang pamilya ni Kim at mga kaibigan sa tunay na intention nito.

May nagsasabi pang parang si Kim lang daw ang nagpapakita na in love kay Xian samantalang iyon ay parang wala halos pakialam sa aktres. Nagkasama kasi sila noong panahong si Kim ay biglang iniwan ni Gerald Anderson. Mabilis na na-in love si Kim sa kanyang leading man sa serye nila, pero ganoon nga ba kaseryoso si Xian?

Pagkatapos niyong kung ano-anong espekulasyon na ang lumabas tungkol sa kanilang relasyon. May nagsasabi pang mukhang one way lang iyon dahil si Kim lang ang may gusto. Kaya naman siguro umabot na sa sukdukan at sinabi ni Kim na hiwalay na sila ni Xian. Nakagugulat nga dahil sa halip na malungkot sila para sa kaibigan, mukhang masaya pa ang mga kaibigan ni Kim sa nangyari.

Mukha namang mabilis ding naka-get over si Kim. Mukha ngang mas nasaktan siya noong ma-double cross ni Gerald kaysa nitong magkahiwalay sila ni Xian.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …