Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gwen Garimond Jaclyn Jose Kenneth Ilagan

Gwen gusto pa ring makita si Jaclyn

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAALALA namin noong araw may pelikulang ang title, Nagalit ang Patay sa Haba ng Lamay. Hindi na namin matandaang gaano, dahil bata pa kami noon basta iyon ay isang comedy picture.

Nabanggit lang namin dahil hindi nasunod ang brief and simple wake na ambisyon ng pamilya ni Jaclyn Jose humaba rin ng ilang araw ang lamay at lahat ay kung ano-ano na ang sinasabi sa naging karanasan nilang kasama ang aktes kahit na gaano ka-insignificant iyon. Lahat may statement dahil sa ganoong paraan nga naman nababanggit din ang kanilang pangalan sa issue.

Pero ang totoo pala kaya humaba nang humaba ang lamay ay dahil gusto nilang hintayin kung makauuwi nga ang anak na lalaki ng aktres si Gwen na nasa US. Madali naman daw siyang makauwi anytime, ang problema lang ay ang kanyang re-entry sa US pagkatapos. Eh nag-aaral siya roon sa ngayon sayang kung hindi siya makababalik kaya hinihintay muna niyang maayos ang papeles niya bago siya umuwi. 

Kung hindi man niya abutin ang inurnment ng ermat niya, at least mapuntahan man lang niya ang huling hantungan niyon.

In the meantime, ang tumatayo namang panganay ay si Gabby Eigenmann na siyang umaalalay kay Andi sa lahat ng desisyon, habang wala pa nga si Gwen.

Hindi kilala sa showbiz si Gwen dahil hindi naman siya nag-artista bagama’t noong araw pa raw ay may mga offer na rin siya na maging isang actor pero ayaw niya at ang gusto niya ay music. Iyon nga siguro ang namana niya sa kanyang amang si Kenneth Ilagan.

Hindi rin natin alam, talaga palang close si Gwen sa kanyanga ina, at sinasabi nga ng aktres na ang anak, “ang huling lalaki sa aking buhay.” Masakit para kay Jaclyn na mapalayo kay Gwen, pero sinasabi nga niya, “hindi ko maaaring hadlangan kung ano ang kaligayahan ng aking mga anak.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …