MATABIL
ni John Fontanilla
SIMULA nang lumipat sa Viva Entertainment ang actress and host na si Bea Binene ay sunod- sunod ang magagandang proyekto na ginagawa nito kaya naman very thankful ito sa pag-aalaga sa kanya.
Ang latest nitong pelikula ay ang Philippine adaptation ng hit Korean movie na Sunny.
Makakasama ni Bea ang ilan sa mahuhusay na aktres na sina Vina Morales, Angelu de Leon, Ana Roces, Sunshine Dizon, Candy Pangilinan, Tanya Garcia, at Katya Santos.
Makakasama rin dito ang mga bagets na pambato sa aktingan ng Viva na sina Heaven Peralejo, Aubrey Caraan, Ashtine Olviga, Abby Bautista, Ashley Diaz, at Heart Ryan.