Sunday , December 22 2024
Kotaro Shimizu Jean Garcia

Anak ni Jean na si Kotaro pang-matinee idol; following sa socmed dumarami

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAPAPANSIN namin, mukhlang lumalakas ang following sa social media ni Kotaro Shimizu, anak ng aktres na si Jean Garcia sa isang Japanese businessman. Niligawan at nakarelasyon niyong Hapon si Jean nang magtrabaho bilang singer sa Japan at ang naging bunga nga ng kanilang pagmamahalan ay si Kotaro. Hindi man natin nakita ang Japanese boyfriend na iyon ni Jean tiyak na pogi rin dahil tingnan naman ninyo ang hitsura ni Kotaro na mukhang matinee idol talaga. Kung iisipin mo, mas poging ‘di hamak si Kotaro kaysa maraming mga artistang lalaki natin ngayon. At kung mag-aartista iyan tiyak na sisikat. Pero mukhang sa musika gustong luminya ni Kotaro, dahil ngayon daw ay may offer na sa kanya na sumama sa isang foreign boy band.

Noong araw patakbo-takbo lamang ang batang iyan sa dressing room at sa backstage ng Walang Tulugan na host ang kanyang nanay na si Jean. Lagi siyang hawak ni Vera, ang writer ng show na kaibigang matalik ni Jean. Cute na bata na iyan noon pa pero hindi namin akalain na lalaking ganyan katangkad at ka-pogi iyang si Kotaro

Suwerte rin naman si Jean na puro magaganda ang naging mga anak.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …