Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Papa JT Barangay LSFM

Papa JT ng  Barangay LSFM  happy sa tagumpay ng Barangay Love Stories 

ISA sa  frontliner ng Barangay LSFM 97.1 si Papa JT na napakikinggan sa isa sa number 1 radio program, ang Forever Request, Mon-Wed 6:00 p.m.-9:00 p.m..

Ito rin ang director/ producer ng nangungunang radio program sa bansa, ang Barangay Love Stories. Bukod sa direksiyon na ibinibigay ni Papa JT sa mga premyadong voice actors dito, isa rin siya sa gumaganap sa mga ipinadadalang kuwento ng mga Kabarangay, mga kuwento ng pag-ibig buhay at pag-asa.

Ayon kay Papa JT, “Umiikot ang mundo ko sa Barangay LSFM bilang DJ, pagpapatakbo ng ‘Barangay Love Stories’ at pagboboses sa kdrama, anime  at documentary.

“Nagsimula ako sa larangan ng Voice Acting noong 2009 na siyang naging hanap-buhay ko hanggang ngayon.”

Ilan sa  KDrama series na nag-boses ito ang katatapos lang umere sa GMA 7 ang Jinxed At First at Mr. Queen sa Korean star na si Na In-woo na parehong bida ang ito.

Bukod sa pagbo-boses sa mga iba’t ibang dubbed program, nagbo-boses din ito sa mga TV at radio commercials at isang Food Vlogger.

Nagsimula siya sa simpleng pakuha-kuha ng random videos sa mga kinakain niya hanggang sa nakahiligan na. Bukod sa pagbibigay ng honest at comprehensive review sa mga pagkain na kanyang natitikman, isa rin sa mga nagustuhan ng followers niya ay ang constructive na pagbibigay niya ng kritisismo.

Bagay na ginagamit naman ng mga may-ari ng mga nakakainan niya para i-improve ang kalidad ng serbisyo at ng pagkain nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …