HATAWAN
ni Ed de Leon
SUWERTE pa rin iyang si Jo Berry kahit na sabihin mong isinilang siyang kulang sa sukat. Sa una niyang serye sa telebisyon ay bida siya agad. At sino nga ba ang magsasabing bukod sa bida siya ay suporta lamang niya si Nora Aunor. Hindi rin naman gaanong mataas ang ratings niyon kaya matagal bago nasundan. Isipin ninyong sa ngayon ay bida na naman siya at isang abogada pa ang kanyang role. Nabigyan siya ng ganyan kalalaking break samantalang ang mga nauna sa kanya kagaya ni Taciong Tangkad, Mahal, at Mura ay hindi nabigyan ng mga ganyang pagkakataon. Ang isa pang sumikat na unano noong araw ay si Weng Weng pero hindi rin tumagal ang kanyang career.
Ewan natin itong si Jo Berry kung hanggang kailan.