Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid

James makalusot kayang top influencer sa abroad?

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI naman daw pinangarap ni James Reid na mapili siyang top influencer sa ginagawa niya ngayong mga endorsement sa abroad. Una hindi naman niya dapat asahan talaga iyon dahil sa abroad ay hindi naman siya masyadong kilala, at kung dito sa Pilipinas ay napakabilis niyang sumikat dahil pogi siya, roon ay marami at karaniwan na ang ganoong mukha kaya hindi rin niya maaasahang mabilis siyang mapapansin.

Dito sa atin mabilis siyang napansin dahil sa pagsali niya sa reality show na Pinoy Big Brother tapos nasundan iyon ng iba pa hanggang sa mapunta nga siya sa Viva at itinambal kay Nadine Lustre

Sumikat ng mabilis anga kanilang love team at naging totohanan nga iyon. Apat na taon din silang nagsama sa bahay ni James hanggang sa magkahiwalay din. 

Tinangkang batakin ni James si Nadine sa labas ng Viva hanggang sa nagkaroon pa ng demandahan at natalo si Nadine. 

Kailangan niyang balikan ang kanyang pinirmahang kontrata sa kompanya. Noon natuluyan ang kanilang split. Nakumbinsi naman ni James si Liza Soberano na pumirma sa kanyang management company, nakumbinsi naman iyon pero mataas ang pangarap ni Liza, gustong maging Hollywood star,  na tipong mahirap naman.

Ngayon si James ay gumagawa ng mga kanta sa ilalim ng kanyang music company pero wala pa nga silang nagagawang hit kahit na isa. Nakalagay din sa alanganin mismo ang career ni James.

Tingnan na lang natin kung hanggang saan ang kanilang maaabot nang hindi naman masabing ang ginawa nila ay isang “care less decision.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …