I-FLEX
ni Jun Nardo
BINATIKOS ng netizens ang political Facebook page ni QC Congressman Arjo Atayde kaugnay ng birthday greetings niya sa asawang si Maine Mendoza.
Ikinawindang ng netizens ang paggamit ni Cong. Arjo sa logo ng House of Representatives sa greetings sa asawa. (Sayang lang at hindi namin agad nakuhanan ng picture dahil hindi na namin makita sa page).
Umani rin noon ng batikos ang post sa Instagram ni Mariel Padilla, asawa ni Senator Robin Padilla, habang gumagamit ng umano’y gluta drip sa office ng asawa.
Umani rin ng batikos ang post na ito ni Mariel hindi lang sa netizens pati na sa isang lady senator, huh! Kawalan umano ng respeto sa Senado ang ginawa ni Mariel.
Naresolbahan na ang issue at humngi na ng paumanhin si Mariel pati na si Sen Robin sa ginawa ng asawa na walang intensiyong bastusin ang Senado.
Hay…Opisyal, celebrity at kilalang personalidad, hindi talaga ligtas sa mapanuring mata ng netizens.