Sunday , December 22 2024
Andi Eigenmann Jaclyn Jose

Pakikiramay bumuhos sa pagkamatay ni Jaclyn, buong industriya nagluluksa  

HATAWAN
ni Ed de Leon

MALUNGKOT na malungkot ang buong industriya ng pelikulang Filipino sa naging pagpanaw ng aktres na si Jaclyn Jose, ang kaisa-isang Filipina at South East Asian na nanalo ng best actress sa tinitingalang Cannes Film Festival sa France.

Itinuturing kasing pinaka-mahalaga at pinaka-malaking festival ang Cannes, na kung tawagin nga ay festival of festivals. Basta nanalo ka riyan, kamote lang sa iyo ang mga nanalo na sa kahit na five continents pa. Iyan ang itinuturing na pinaka-mataas sa buong mundo. Minsan mas exciting pa iyan kaysa Oscars, dahil iyong Oscars ay para sa mga American film lamang, ang Cannes ay para sa buong mundo.

Nagbigay na ng opisyal na pahayag si Andi Eigenmann, anak ni Jaclyn sa actor na si Mark Gil, na yumao ang kanyang ina noong umaga ng Sabado Marso 2 hindi Linggo kagaya ng unang ibinalita ng iba. Natuklasan ang kanyang bangkay noong Linggo Marso 3 na, pero tinatayang binawian siya ng buhay noon pang Sabado ng umaga matapos ang autopsy. Nauna riyan, ganoon din ang ginawa naming report dahil sa sinabi ng Medico Legal na maaaring namatay siya ng sinundang araw pa kaya medyo maitim na ang kanyang mga labi nang makuha.

Lumabas ding inatake pala siya sa puso kaya natumba at posibleng nabagok pa ang ulo. Noong mangyari ang aksidente ay nag-iisa lamang si Jaclyn sa kanyang tahanan sa Loyola Grand Villas dahil naka-day off ang kanyang yaya na siya niyang kasama roon. Kagaya ng ibang ganyang sitwasyon, inimbestigahan din ng pulisya kung posibleng may foul play pero wala naman, walang nagulo sa mga gamit sa bahay. Ibig sabihin, hindi nagkaroon ng munti mang struggle na magiging batayan sana na may foul play. Hanggang sa lumabas na nga ang resulta ng autopsy sa crime lab na inatake siya sa puso kaya nangyari ang ganoon.

Naging maingat din ang pulisya sa handling ng kaso ni Jaclyn, kaya ang bahay niya ay pinaligiran agad ng SOCO at walang ibang nakalapit doon dahil din siguro sa naging karanasan nila at inabot na batikos sa pagkamatay ni Ronaldo Valdez kamakailan lamang. Wala ring nagbigay ng statement sa pulisya hanggang sa lumabas nga ang autopsy report. Ang mga nauna naming report ay base lamang sa nasabi ng mga imbestigador, pero sinasabi nilang ang opisyal na report ay lalabas lamang pagkatapos ng autopsy.

Nang una naming marinig ang kuwento ay sinasabi nila sa amin na baka fake news lang, wala pa kasing nakaaalam niyon nang bigyan kami ng tip off ng aming mga asset. Noong bandang gabi na at saka nagsimulang maglabasan ang sketchy report ng iba, at nagsimula na ring magtanong sa amin si Tita Maricris (ang aming editor), kaya minabuti naming kumuha na ng detalye ng mga pangyayari mula sa mga imbestigador na naroroon. Nakaiinis na nga naman iyong puro nakikiramay wala namang alam na detalye sa pagkamatay niyong taong dinadamayan nila. Tama naman ang aming sources na nagsabing Sabado nga nang mamatay ang aktres at hindi noong Linggo.

Kinompirma rin ng kanyang anak na si Andi na si Jaclyn ay 60 years old at hindi 59 kagaya ng lumalabas sa mga search engines sa internet.

Kabilang sa mga unang celebrities na dumating sa lugar ng pinangyarihan sina Coco Martin na kasama ni Jaclyn sa seryeng Batang Quiapo at ang kaibigan niyang aktres na si Cherry Pie Picache.

Halos kasunod niyon, bumuhos na ang pakikiramay ng mga tao sa industriya sa pamamagitan ng social media, at nag-trending na lahat ng lumabas na istorya na tila ba isang seryeng sinusundan kung may lalabas na bagong development. Pero naunahan na namin sila sa mismong lugar kaya nauna na ang aming report.

Papahuli ba naman ang Hataw, eh tinakbo rin iyon ng aming police beat reporter sa Quezon City. Alerto ang mga tao ng Hataw kahit na hatinggabi, ‘di ba Tita Maricris Nicasio? (Totoo ‘yan na hanggang 2:00 a.m. ay inabangan kung may mga bagong balitang lalabas ukol sa nangyari. At kahit nasa Baguio ang beat reporter na naka-assign sa QC, nagtatawag din ito para makakuha ng update —ED)

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …