HATAWAN
ni Ed de Leon
SAMANTALA, lahat ng mga artistang nakasama na ni Jaclyn sa kanilang sa mga proyekto ay nagpahayag ng kalungkutan hindi lang para sa isang kasama kundi itinuring nila siyang magulang at kapatid.
Sinasabi nilang si Jaclyn ay laging umaalalay sa kanyang mga kaeksena at hindi niya ginagawang tabunan sila na kayang-kaya sana niyang gawin dahil sa kanyang kahusayan.
“Team worker si TIta Jane, “ ang sinasabi nila.
Nagsimula si Jaclyn sa mga pelikulang medyo sexy ang dating na siyang uso noong magsimula siya sa kanyang career. Kasama siya sa Private Show at marami pang iba at naging paborito siya ng yumaong National Artist at director na si Lino Brocka. Madalas din siyang kasama sa mga pelikula ng isa pang batikang director, si Chito Rono. Basta kailangan ang isang malakas na support, tiyak na ang maiisip agad nila ay si Jaclyn.
Dalawa ang naging anak ni Jaclyn, ang panganay niya ay si Andi Eigenmann na anak niya sa yumaong actor na si Mark Gil. Mayroon siyang isang anak na lalaki na ngayon ay nag-aaral sa US dahil naman sa nakarelasyon niyang musician, si Kenneth Ilagan. Inaamin noon ni Jaclyn na si Kenneth ang pinaka-matagal niyang nakasama. Nagsama sila ng anim na taon, pero nagkahiwalay din dahil sa akusasyon ni Jaclyn na may ibang babae pa si Kenneth. Isa ang naging anak nila si Gwen na tulad ng tatay niya ay naging musician din ngayon, basist ng grupong Suspiria Pink.
Wala pang inihayag si Andi kung ano ang plano nila sa wake ni Jaclyn, hindi rin niya sinabi kung uuwi sa PIlipinas si Gwen para magbigay galang sa namayapa nilang ina. Humingi lamang siya na bigyan sila ng privacy sa panahon ng pagluluksa at dalamhati at nagpapasalamat siya sa mga nag-uukol ng panalangin para sa kanilang ina.
Nawa’y matagpuan nga ni Jaclyn ang liwanag na walang hanggan.