Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Lee Gelli De Belen Patricia Tumulak Sherilyn Reyes-Tan

Gelli humanga sa adbokasiya ni Cong. Wilbert Lee

MATABIL
ni John Fontanilla

NAPAKA-VOCAL ni Gelli De Belen  sa pagsasabing humahanga siya kay Cong. Wilbert Lee na kasama niya sa pinakabagong public service show sa GMA 7, ang Si Manoy ang Ninong Ko na napapnood tuwing Linggo, 7:00 a.m..

Aminado si Gelli na noong una ay half-hearted siya na tanggapin ang programa.

“Noong una kasi, tinanong ko talaga kung bakit ako isinasama sa programa? 

“Tinanong ko rin kung sino ang kasama at kung bakit may kasamang congressman? 

“Pero noong nalaman ko na marami ang matutulungan, ayun na, I want to be part of the show.

“Noong nalaman ko na maganda ang advocacy ni Cong. Wilbert, game na ako. 

“At habang tumatagal, habang nakikilala ko si Cong. Wilbert, eh  napabilib niya ako dahil kitang-kita namin kung gaano kalambot ang puso niya sa mga taong nangangailangan ng tulong.

“Most of the time, out of his pocket ang inilalabas niya para lang makapagbigay at makapamahagi ng tulong sa mga taong lumalapit sa kanya at sa programa,” mahabang paliwanag ni Gelli.

Kakaiba raw ang Si Manoy ang Ninong Ko sa mga naunang hosting show ni Gelli like SIS at Face to Face.  

“Medyo serious ako rito this time, malayong- malayo sa ‘SIS’ at ‘Face to Face.’”

Dagdag pa nito, “Iba’t ibang problema kasi ang idinudulog sa ‘Si Manoy Ang Ninong Ko’ and may mga expert din kami na nag-aayos pagdating sa pagtulong sa mga tao.”  

Makakasama nina Gelli at Cong. Wilbert sina Sherilyn Reyes-Tan at Patricia Tumulak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …