Sunday , December 22 2024
vilma santos nora aunor

Vilma tinutukan umarangkada ang career, Nora bumandera pero kinapos

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGA bang magkalaban pa rin hanggang ngayon sina Vilma Santos at Nora Aunor? Talagang matindi ang kanilang labanan noong 70’s pero pagkatapos niyon lumamig na ang kompetisyon. Marami na kasing mga bagong artistang pumasok, nahati na ang atensiyon ng fans at nabago ang buong sitwasyon.

Kumbaga sa karera ng kabayo, mabilis na rumemate ang career ni Nora, bumandera pero kapos, si Vilma ay nakatutok lang ang takbo basta hindi naiiwan at nang medyo kinapos na ang kalaban at saka bumanat nang husto kaya kung iisipin mo siya ang nanalo. At ang kalabang kinapos hindi man lang tumimbang.

Ano ang basehan sa sinasabi nating iyan? Iginigiit ng mga tagasunod ni Nora na ang pelikula naman ni Vilma ay hindi naging top grosser noong nakaraang festival. Hindi naman talaga. Pero para isabay mo iyan kay Nora na ang pelikula ay na-reject ng festival dahil sa paniniwala nilang wala iyong commercial viability, aba eh matindi iyon.

Ipinalabas ang pelikula ni Nora sa isang micro cinema sa Morato pagkatapos ng festival. Micro cinema nga eh, 50 lamang ang capacity niyon. Pero tumagal lang ng dalawang araw at may mga cancelled screenings pa dahil walang nanonood. Iyong pelikula ni Vilma umabot ng isang buwan sa mga sinehan at kasabay niyon palabas pa at naging hit sa abroad. Isipin ninyo kung isinali sa festival ang pelikula ni Nora. Katakot-takot na minimum guarantee ang babayaran ng producers niyon sa sinehan. Libre lang sa MG ang mga pelikula hanggang sa ikalawang araw ng festival. Sa ikatlo, aalisin ka na o pagbabayarin ka ng minimum guarantee o iyong panagot sa gastos ng sinehan sa operations niyon kung hindi naman kumikita ang pelikula. Kung ang isang micro cinema ay hindi na mapuno ng mga Noranian eh ‘di lalo na ang isang malaking sinehan.

Kay VIlma ngayon nakapila ang scripts lagi namang ganoon sa dami ng offers sa kanya na hindi naman niya lahat magawa. Kay Nora ay pila rin ang mga tapos na niyang pelikula pero hindi mipalabas dahil ayaw kunin ng mga sinehan.

Nagsimula iyan dahil sa mga sunod-sunod na indie na ginawa niya noon na lahat ay hindi kumita, natural tatanggihan na siya ng mga sinehan.

Nagkaroon pa siya ng partida pumasok sa politika si VIlma at hindi masyadong aktibo sa showbusiness ng 23 taon. Tuloy-tuloy kasi si Vilma siyam na taong mayor ng Lipa, siyam na taong gobernador ng Batangas, at anim na taon pang congressman ng Lipa ng walang talo.

Si Nora kumandidato rin sa bayan niya sa Bicol, ni minsan hindi nanalo.

Ang tanging pinanghahawakan na lang nila ngayon ay matapos na dalawang ulit na na-reject ng pangulo ng Pilipinas sa ikalawang pagkakataon idineklara na rin siyang National Artist ni dating Pangulong Duterte. Pero National Artist ka man kung wala ka namang ginagawa dahil hindi ka na uso sa ngayon, ano pa silbi niyon.

Kahit naman sinong may matinong pag-iisip, sasabihing tama ang sinasabi namin. Ang hindi lang papayag ay ang mga miyembro ng kulto, at uulitin namin wala kaming pakialam sa sinasabi ninyo. Ang utot ninyo blue, ang lolo ninyo diyes.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …