Monday , May 12 2025

Sarah bumigay kinompirmang single na

I-FLEX
ni Jun Nardo

BUMIGAY na si Sarah Lahbati! Kinompirma na niyang hiwalay na sila ng asawang si Richard Gutierrezsa interview sa kanya ng showbiz reporter na si MJ Felipe.

Yeah, there’s nothing to hide,” sagot ni Sarah nang tanungin kung single siya ngayon. 

Dagdag pa niya, “And I think it’s pretty clear to the public that both of us are (single)…I think,” dagdag pa ng aktres.

Late last year natsismis na hiwalay na sina Chard at Sarah base sa obserbasyon ng netizens na hindi sila magkasama sa postings sa kanilang social media accounts.

Nagkaroon pa ng parunggitan ang ina ni Richard na si Annabelle Rama at mother ni Sarah na si Ester Lahbati sa socmed bilang depensahan ang mga anak.

Ngayong si Sarah na ang nagkompirma sa hiwalayan, matapos na kaya ang parunggitan ng magbalae sa social media?

Balik showbiz na si Sarah sa Viva series na Lumuhod Ka Sa Lupa habang may bagong projects si Richard sa ABS-CBN.

About Jun Nardo

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …