Monday , December 23 2024
Wilbert Lee Gelli De Belen Patricia Tumulak Sherilyn Reyes-Tan

Cong. Wilbert Lee  bilib sa galing nina Gelli, Patricia, at Sherilyn

MATABIL
ni John Fontanilla

AYAW ikompara ni Cong. Wilbert Lee ang tatlong babaeng kasama niya sa inaabangang public service sa telebisyon, ang Si Manoy ang Ninong Ko na mapapanood tuwing Linggo sa GMA 7, 7:00 a.m. na sina Gelli De Belen, Patricia Tumulak, at Sherilyn Reyes-Tan dahil pare-parehong amazing lady ang mga ito.

 At kahit nga pare-parehong bago sa public service sina Gelli, Patricia, at Sherilyn ay pare-parehong may puso sa pagtulong ang mga ito ayon kay Cong. Wilbert, kaya naman bagay na bagay sila sa kanyang show.

May mga lugar nga na napuntahan at na-interview si Sherilyn na sobrang nadurog ang kanyang puso, kaya ‘di niya napigilang maluha. Kaya isa iyon sa dapat abangan ng mga manonood sa kanilang show.

At kahit nga si Patricia ay maraming natututunan sa bawat lugar na kanyang pinupuntahan.

Habang katuwang naman ni Cong. Wilbert sa pagresolba ng mga problema ng ating mga kababayan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ang kasama niya sa studio na si Gelli na saludo sa pagiging matulungin niya sa mga taong nangangailangan.

Kaya naman tutok na tuwing Linggo sa Si Manoy ang Ninong Ko na nagsimulang mapanood kahapon, March 3.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …